Home METRO 9 tulak, laglag sa P180K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

9 tulak, laglag sa P180K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang dalawang pinaghihinalaang tulak matapos umanong mahulihan ng P102,000 iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Sta. Maria.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, nakilala ang mga naarestong suspek sa alyas Paolo at Reymart.

Ayon sa report, ikinasa ang operasyon ng Sta Maria Police station bandang 2:30 ng madaling araw nitong Pebrero 7 sa Brgy. Bagbaguin.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na sachets na pinaghihinalaang shabu na tinatayang P102,000, coin purse, Yamaha Aerox at marked money.

Samantala, pito pang drug dealers ang naaresto sa kaparehong operasyon ng Angat, Marilao San Miguel at Plaridel police station.

Nasamsam sa operasyon ang 21 sachets na pinaghihinalaang shabu na aabot sa halagang P78,040 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa istasyong humuli sa kanila. Dick Mirasol III

Previous articlePanganib sa pagdami ng mga billboard susuriin sa Senado
Next articleLider ng kulto hinatulan sa pagpatay sa 191 bata