Home METRO 9 tumakas na preso balik-selda na

9 tumakas na preso balik-selda na

MANILA, Philippines- Nadakip na ang siyam na presong tumakas nitong nakaraang Nobyembre 8, 2023 ng madaling araw sa selda ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, makaraang maaresto ang sinasabing “mastermind” sa pagpuga, nang matunton ito sa SBUC Compound, Soldiers Hill, Narra Street, Bacoor City, Cavite.

Bandang alas-2:15 ng madaling araw nang matimbog ang suspek na kinilalang si Jefferson “Bunso” Tumbaga sa naturang lugar

Sa pangunguna ni Police Lieutenant John Guiagui, Assistant Chief ng District Intelligence Division ng MPD, kasama sina Police Major Edward Samonte ,hepe ng District Special Operation Unit (DSOU), nagtungo ang mga tauhan ng District Police Intellegence Operation Unit (DPIOU) at  ilang mga tauhan ng Raxabago Police Station sa kinaroroonan ni Tumbaga

Ayon sa ulat ng pulisya, si alyas Bunso umano ay notoryus sa kanilang lugar dahil may kaso itong Illegal Possesion of Firearms.

Dahil dito, pinasalamatan at punuri ni MPD Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay ang mga pulis sa maagap na aksyon sa sunod-sunod na manhunt operation sa mga tumakas na inmate. Rene Crisostomo

Previous articleBarDa fans, dismayado sa halikan nina Barbie at David!
Next articleLider ng NPA timbog!