Home OPINION 90% NA TARGET PARA SA NATIONAL ID NAKAMIT NG PSA

90% NA TARGET PARA SA NATIONAL ID NAKAMIT NG PSA

Batay sa opisyal na datos mula sa PSA o Philippine Statistics Authority, nasa 82.81 million na ang nairehistro ng ahensiya para sa Philippine Identification System o katumbas ng 90% sa target na higit kumulang 92 million na mga Filipino.
Sa bilang na ito, nasa 48.77 million ang na-imprenta na ng BSP o ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Nasa 44.80 million naman ang naipamahagi na ng PHLPOST o Philippine Postal Corporation habang nasa 44.14 million ang napadalhan na ng electronic copy ng kanilang national ID na pansamantalang maaaring gamitin.
Sa mga patuloy na naghihintay ng pagdating ng kanilang national ID, muling nagpapaalala ang PSA na dapat na ingatan ang inyong PHILSYS registration transaction slip dahil kakai­langanin itong ipakita sa pag-deliver sa inyong ibinigay na home address ang inyong national ID.
Sabi pa ng PSA, huwag na huwag i-post sa social media ang inyong transaction slip para maingatan ang inyong mga perso­nal information. Maaari kasing may manamantala sa inyong mga datos.
Ang PHLPOST ang siyang partner ng PSA para magdadala sa inyo ng inyong ID, maliban sa transaction slip, kailangan pang magpakita ng isang valid ID. Tatlong beses lamang magtatangka ang delivery man na maihatid ito sa inyo.
Kung sakaling hindi kayo magkatagpo o walang tumanggap sa tatlong pagkakataon, maaari itong makuha sa pinakamalapit na Post Office sa inyong home address sa loob lamang ng 30 days.
Tandaan po, para sa inyong proteksyon, huwag basta-basta ibibigay kanino man ang inyong mga personal na impormasyon o ng inyong kasama sa bahay o kaibigan.
Sabi nga ng PSA at PHLPOST, konting paghihintay na lamang at mahahawakan na ng bawat Filipino ang kanilang national ID.

Previous articleMag-asawang tulak; 2 pa timbog sa Bulacan buy-bust
Next articleNCRPO CHIEF WALANG MASKARA