Home NATIONWIDE 9,107 dagdag-kaso ng COVID naitala mula Mayo 29 ‘gang Hunyo 4

9,107 dagdag-kaso ng COVID naitala mula Mayo 29 ‘gang Hunyo 4

258
0

MANILA, Philippines – Ang average na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kada araw ngayong linggo o mula Mayo 29 hanggang Hunyo 4, ay nasa 1,301.

Ito ay makaraang makapagtala ng 9,107 kaso ng sakit sa loob ng isang linggo.

Ayon sa Department of Health (DOH), mas mababa ng 22 percent ang mga kaso kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 22 hanggang 28.

Sa mga bagong kaso, 77 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 10 na pumanaw kung saan tatlo ay naitala noong Mayo 22 hanggang Hunyo 4.

Nakapagtala naman ng 559 na malubha at kritikal na pasyente noong Hunyo 4,2023 na mga naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,099 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 397(18.9%) ang okupado.

Samantala, 4,101(23.0%) ng 17,848 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 78 milyong indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBishop Santos bagong Antipolo Diocese head
Next articleComelec naghahanda na sa konsultasyon sa BSKE postponement sa Negros

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here