Home NATIONWIDE 95% ng mga batang Pinoy target bakunahan ng DOH vs vaccine-preventable diseases

95% ng mga batang Pinoy target bakunahan ng DOH vs vaccine-preventable diseases

MANILA, Philippines – Target ng Department of Health (DOH) na makumpleto na mabakunahan ang 95% ng mga batang Pilipino laban sa vaccine-preventable diseases tulad ng polio, measles, at rubella.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa sa
2023 Philippine Immunization Summit, na ang bawat bata ay kailangang mabakunahan ng isang doses ng bacille Calmette–Guérin (BCG) vaccine para sa tuberculosis; tatlong doses ng oral polio vaccine (OPV); tatlong doses ng bakunang diphtheria, tetanus, pertussis (DTP), Hib, at Hepatitis B; at dalawang doses ng bakuna laban sa tigdas, beke, rubella.

Binanggit din ng kalihim ang National Immunization Coverage 2022, na nagsasabing ang Pilipinas ay kabilang sa top five na bansa na may pinakamaraming bilang ng zero-dose children sa buong mundo at isa sa pinakamalaking nag-aambag sa bilang ng mga zero-dose na bata sa Silangang Asya at Rehiyon ng Pasipiko.

“Our immunization rates remained low. This has been true over the years since 2013… Our fully immunized child had been below 80% yearly and our fully immunized child target of 95% is a far-off target,” sabi ng kalihim.

Sinabi rin ni Herbosa na wala sa mga rehiyon ang nakamit ang 95% na target noong nakaraang taon—-na may pinakamataas na accomplishment sa isang lugar na nasa 72.1% lamang, at ang pinakamababa ay nasa 46.2%.

Ayon sa DOH, ang bilang ng mga batang zero-dose o hindi nabakunahan sa pagitan ng 2021 at 2022 ay nabawasan mula sa humigit-kumulang 1 milyon hanggang 637,000. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePAF, US Air Force nagdaos ng ‘austere’ medical care drills
Next articlePBBM inimbitahan na bumisita sa Peru – Palasyo