Home NATIONWIDE 95M SIMs nairehistro na – DICT

95M SIMs nairehistro na – DICT

368
0

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang P95 milyon SIMs ang naiparehistro na hanggang nitong Mayo 10, sinabi ni Department of Information and Communication Technology Secretary Ivan Uy.

Nasa 90% na ito ng inaasahang 100 hanggang 110 milyong potential registrants mula sa 168 milyon na aktibong SIMs sa bansa.

Ani Uy, dapat samantalahin ng mga Filipino ang pagpaparehistro bago matapos ang deadline nito na pinalawig hanggang Hulyo 26.

Aniya, habang nagpapatuloy pa ang SIM registration, dapat pa ring maging maingat ng publiko sa mga pekeng registration sites upang makakolekta ng personal na datos. RNT/JGC

Previous articleModerna puspusan na sa pagbubukas ng pasilidad sa Pilipinas
Next articleHeart, tanggap na kung ‘di magkakaanak!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here