Home NATIONWIDE 96.38% turnout naitala sa unang araw ng Bar Exams

96.38% turnout naitala sa unang araw ng Bar Exams

307
0

MANILA, Philippines- Nasa 10,400 mula sa 10,791 na kandidato ang nakatapos ng unang araw ng Bar Examination kahapon September 17, 2023.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, chairperson ng 2023 Bar Examinations, katumbas ito ng 96.38% turnout.

Itinuturing ni Hernando na malaking tagumpay ang unang araw ng pagsusulit.

“I am proud to say that the first day of the 2023 Bar Examinations is a smashing success. The Court and its 2,310-strong Bar personnel have vigilantly stood watch over our 2023 Bar Examinees and ensured the safe, peaceful, and orderly conduct of the exams. Let us all hope and pray that this would continue until the last day of the Bar,” ani Hernando.

Sa nalalabing dalawang araw pa ng Bar Examination, hinikayat ni Hernando ang  examinees na maging matiyaga at tapusin ang pagsusulit.

“To all of my 2023 Bar Examinees, I salute you for powering through the first Bar day. There are only two Bar Examination days left. You can do it! I look forward to warmly welcoming you to our profession before Christmas day.”

Pinasalamatan din ni Hernando si Chief Justice Alexander G. Gesmundo at ang mga miyembro ng SC sa buong buhos aniya na suporta upang magtagumpay ang Bar Exams.

Nitong linggo lamang ay sinabi ni Chief Justice Gesmundo na kailangan ng bansa hindi lamang ng dagdag na abogado kundi mga abogado na may “social conscience” at tapat na magtatrabaho para sa interes ng mahihirap at mahihinang sektor.

Samantala, sa ikalawang araw ng Bar Exam sa Sept. 20, nagdeklara ang SC na walang pasok sa sa mga korte sa Metro Manila at iba pang lugar kung nasaan ang mga local testing center (LTC).

Magugunita na sa circular ni SC Court Administrator Raul Villanueva, walang pasok sa Sept. 20 ang mga korte para sa idaraos na Bar Exams.

Aniya, ang lahat ng opisyal at kawani ng mga hukuman na magsisilbing bar exams personnel ay ikokonsiderang nasa official business. Teresa Tavares

Previous articlePinas mag-eexport ng avocado sa SoKor
Next articleDerek, tagasundo ni Elias sa school!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here