Home HOME BANNER STORY 96% ng Pinoy positibo sa pagsalubong ng 2024

96% ng Pinoy positibo sa pagsalubong ng 2024

MANILA, Philippines – SINABI ng Social Weather Stations (SWS), araw ng Huwebes, Disyembre 28 na may 96% ng mga Pilipino ang nagsabing sasalubungin nila ang Bagong Taon nang may pag-asa sa halip na pangamba.

Ito ang itinuturing na may pinakamataas na porsiyento simula ng pre-pandemic noong 2019.

“This is a point above the 95% in 2022 and the highest since the pre-pandemic 96% in 2019,” ayon sa SWS.

Ayon sa SWS, ang survey na mayroong primary question na ‘Ang darating na taon ba ay inyong sasalubungin nang may pag-asa o may pangamba?’ ay isinagawa mula Dec. 8 hanggang 11 via face-to-face interviews sa may 1,200 adults sa buong bansa.

Sa tala ng SWS, isang puntos na mas mataas ang mga Pinoy na tatahak sa Bagong Taon nang may pag-asa kumpara sa 95% na datos noong 2022. Ito rin daw ang pinakamataas mula noong pre-pandemic, na 96% noong 2019.

Samantala, 3% umano ang nagsabing papasukin nila ang taong 2024 nang may pangamba. Dalawang puntos namang mas mababa ito kumpara sa 5% noong 2022.

“Additionally, 73% of Filipinos expected to have a happy Christmas, the same figure in 2022,” ayon sa SWS.

“The percentage of those who are entering the New Year with hope rather than fear is higher among those who expected a happy Christmas (98%) and those who expected neither a happy nor sad Christmas (95%) than those who expected a sad Christmas (84%),” ayon pa rin sa SWS.

“Hope for the New Year was 87% when first surveyed by SWS at the end of 2000. It was in the 80s at the end of 2000, 2001, 2004, 2005, and 2009. It was in the 90s at the end of 2002, 2003, 2006, 2007, 2008, and from 2010 to 2023,” ayon pa rin sa SWS.

Ang porsiyento naman ng mga umaasa sa National Capital Region (NCR) ay tumaas mula 93% noong 2022 at naging 97% ngayon taon, tumaas din ang Mindanao mula 93% noong nakaraang taon ay 96% na ngayon.

Sa kabilang dako, napanatili naman ng Balance Luzon ang porsiyento nito na 97%, habang bumaba naman ang Visayas mula 95% noong 2022 sa 93% naman ngayong taon.

Makikita rin sa SWS ang pagtaas ng porsiyento sa umaasa sa Bagong Taon sa hanay ng mga adults na nag-aaral.

“Compared to the end of 2022, New Year hope rose slightly across educational levels: from 92% to 93% among non-elementary graduates, from 95% to 97% among elementary graduates, from 95% to 96% among junior high school graduates, and from 96% to 98% among college graduates,” anito.

Sinabi pa ng SWS na 52% ng mga respondents ay mula sa urban areas habang natitira naman na 48% ay mula rural areas. Tinatayang 13% ng mga respondents ay mula Kalakhang Maynila, 45% mula Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila), 19% mula Visayas, at 23% mula Mindanao.

“The survey’s sampling error margins are ±2.8% for national percentages, and ±5.7% each for Metro Manila, Balance Luzon, the Visayas, and Mindanao,” ayon sa SWS.

Matatandaang kamakailan lamang ay inilabas ng Pulse Asia ang resulta ng kanilang survey kung saan 92% daw ng mga Pinoy ang nananatiling “optimistic” at haharapin ang 2024 nang may pag-asa.

Previous article#LibrengSakay sa LRT-2 sa Rizal Day
Next articleKrimen sa Pinas bahagyang bumaba – PNP