MANILA, Philippines – Lumagpas sa 96 milyon ang pinakahuling Subscriber Identity Module (SIM) card registration tally.
Batay sa pinakahuling SIM registration update na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC), ang kabuuang bilang ng mga rehistradong card ay nasa 96,910,251.
Katumbas ito ng hindi bababa sa 57.68 porsiyento ng halos 170 milyong card sa buong bansa.
Sinabi ni NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, sa ANC nitong Lunes na may “sharp decline” sa registration matapos ang mandatory measure na pinalawig ng 90 pang araw.
Aniya batay sa pinakabagong bilang, mayroon nang humigit-kunulang 96 milyon nakarehistro subscriber.
” We have seen a sharp decrease in the [pacing of the registration] after the extension was announced.” sabi ni Salvahan.
Ayon pa kay Salvahan, nakitaan ng average na 150,000 daily registrants mula nang palawigin ang deadline.
“However, we don’t see that we will reach the 100 percent mark. We’re looking at around 100 to 110 million SIMs to be registered,” dagdag pa ng opisyal.
Nauna nang sinabi ng gobyerno na ang pagpapalawig sa SIM registration deadline ay gagawin lamang ng isang beses.
Magreresulta naman ng permanent deactivation ng SIM card ang hindi nakapagparegistro, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Matatapos ang mandatory registration sa July 25,2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden