MANILA, Philippines – MAY kabuuang 97 note verbale o diplomatic protest ang naihain na ng Pilipinas laban sa China sa ilalin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni DFA spokesperson Teresita Daza na 67 mula sa 195 note verbale ang naisampa na ng Pilipinas laban sa China noong 2002.
May kabuuang 30 note verbale naman ngayong taon ang isinampa.
“The 30 (note verbales) refer to protests against the illegal presence and actions of Chinese vessels in our waters,” ayon kay Daza.
Gayunman, sinabi ni Daza na ang bagong note verbale na isinampa ng Pilipinas laban sa China ay nito lamang Hulyo 4.
Gayunman, nilinaw ni Daza na wala itong kinalaman sa “dangerous maneuvers” ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PSG) na sinamahan ang Philippine Navy para sa June 30 resupply mission sa Ayungin Shoal (second Thomas Shoal).
Sa kabilang dako, hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng detalye ang DFA ukol sa kung anong insidente ang nag-udyok para sa July 4 note verbale.
Ani Daza, nakapagsampa na ang Pilipinas ng 485 note verbale laban sa China mula 2016 hanggang Hulyo 5, 2023.
“The China claims nearly the entire South China Sea through a “nine- dash line” on its maps that covers even waters in the exclusive economic zone (EEZ) of the Philippines, Vietnam, Malaysia, Brunei, and Indonesia,” ayon sa ulat.
Hayagan namang binasura ng The Hague-based Permanent Court of Arbitration ang pag-angkin ng China sa pinagtatalunang katubigan. Kris Jose