Home NATIONWIDE 977 bagong kaso ng COVID naitala mula Hulyo 31 ‘gang Agosto 6

977 bagong kaso ng COVID naitala mula Hulyo 31 ‘gang Agosto 6

145
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala pa ng 977 COVID-19 infections ang Department of Health (DOH) mula Hulyo 31 hanggang Agosto 6.

Ito ay mas mababa sa 1,302 na naitala sa nakalipas na linggo.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, ang kabuuang isinalin sa daily average na 140, 25 percent na mas mababa sa 186 na naitala na daily average mula Hulyo 24 hanggang 30.

Nasa 11 infections o 1.14 percent ng kabuuang kaso ay na-tag bilang critical o severe na may active critical o severe COVID-19 admissions na nasa 315.

Sa kabilang banda, 34 nasawi ang naitala ng DOH, 12 rito ay nangyari sa nakalipas na dalawang linggo.

Samantala, sa kabila ng pagbaba ng kaso, bahagyang tumaas ang utilization ng ICU beds mula 11.8 hanggang 12.1 percent gayundin ang no -ICU bed utilization rate mula 15.4 Hanggang 15.9 percent.

Base sa DOH online COVID-19 tracker noong Agosto 6, ang kabuuang nationwide caseload ay kasalukuyang nasa 4,173,631 na may 3,832 aktibong kaso, 4,103,172 na gumaling at 66,626 na namatay sa virus. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMga senador nais ng security of tenure sa mga barangay health worker
Next articleP150M confi fund ng DepEd haharangin ng Makabayan bloc

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here