Home NATIONWIDE 98 pamilya sa Cebu na biktima ng human trafficking, nasagip

98 pamilya sa Cebu na biktima ng human trafficking, nasagip

CEBU- Nasagip ng mga awtoridad ang 98 na pamilya o 119 na indibidwal mula sa Central Visayas matapos alukin ng trabaho sa Tubba Lubok Island sa Barangay Aluh Bunah sa Pangutan, Sulu.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development Central Visayas director Shalaine Lucero, ligtas na nakarating sa Pier 4, Cebu noong Lunes ang mga biktima na kinabibilangan ng siyam na babae at 17 sa mga ito ay mga bata.

Aniya, biktima ng umano’y human trafficking at labor trafficking na sangkot sa loan scheme ang mga biktima pagkatapos silang pangakuan ng trabaho.

Subalit, pagdating sa kanilang destinasyon ay walang maayos na trabaho na ibinigay sa kanila bagkus tila ikinulong lamang sila at pinagkaitan para mangisda.

Dagdag pa ni Lucero, hindi nakayanan ng mga biktima ang kanilang sitwasyon hanggang sa naisipan nilang tumakas at nakarating sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao noong Setyembre 19, at humingi ng tulong para sila ay maibalik sa kanilang tahanan.

Nagbigay naman ang DSWD ng tig-₱10,000 kada pamilya o katumbas ng ₱980,000.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para matunton ang utak sa human trafficking at managot.

Isasailalim na rin ng DSWD ang mga biktima sa psycho-social intervention na posibleng umanong nakaranas ng pang-aabuso. Mary Anne Sapico

Previous articlePaggawa ng mga plaka pinapaspasan na
Next articleAn Waray solon tinanggal sa pwesto matapos matalo sa election case