Home NATIONWIDE 985 tiwaling parak sinibak sa ilalim ng Marcos admin

985 tiwaling parak sinibak sa ilalim ng Marcos admin

MANILA, Philippines- May kabuuang 985 pulis ang tinanggal sa serbisyo dahil sa administrative cases mula nang pumasok ang Marcos administration, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes.

Sa kanyang pahayag sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na may kabuuang 3,932 tiwaling pulis ang ang isinailalim sa disciplinary sanctions para sa administrative offenses at pagkakasangkot sa mga iregularidad bilang resulta ng pinaigting na internal cleansing program mula July 1, 2022 hanggang Jan. 3 ng kasalukuyang taon.

Sa 985 napatalsik, 65 ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga habang sangkot ang 43 sa illegal drugs. 

“With regards to the percentage, it’s 0.25 percent of the overall police force. Cops dismissed from the service are not entitled to benefits,” dagdag ni Acorda. 

Ani Acorda, ipagpapatuloy nila ang pagsusulong ng “aggressive and honest” na kampanya laban sa ilegal na droga, na pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 

“Having been recognized for such an effort, it’s also an honor on our part na (that) despite this less bloody impression, we were able to get this result and I urge our police force to continue such operations and we make it sure that respect for human rights is always upheld,” wika ni Acorda. RNT/SA

Previous articleAnti-terror law ‘di masasagasaan ng amnesty program ng PH gov’t – DOJ
Next articleSuspek sa pananambang tiklo, granada nakumpiska sa Taguig