MANILA, Philippines – May nanalo na! Ito ay matapos tamaan ng solong mananaya ang halos P54 milyong halaga ng jackpot sa draw ng Mega Lotto 6/45 nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 22.
Tinamaan ang winning combination na 11-30-21-04-22-13 para sa jackpot ng Mega Lotto 6/45 na P53,861,631.60.
Samantala, wala namang nanalo sa Grand Lotto 6/55 draw sa jackpot na P29,700,000.
Ang winning combination naman para rito ay 27-29-14-24-41-20. RNT/JGC