Ito ang collective prayer ng mga nagmamalasakit sa couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Marami nga naman ang mga nabuwag na relasyon ng mga couples sa showbiz.
Because of the spate of showbiz breakups kung kaya’t nananalangin ang mga concerned netizens na kung “sumpa” man ito na matatawag ay malampasan sana ito nina Zanjoe at Ria.
“Buena mano” sa mga naghiwalay na couples ay sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
At nito lang, balitang sina Catriona Gray at Sam Milby are going through some “challenges in their relationship.”
Mismong ang management agency nila na Cornerstone Entertainment has released an official statement on this.
Nakikiusap ang Cornerstone to give the couple some privacy.
Nagsimula ang tsismis na may pinagdadaanan ang couple nang mapansing hindi suot ni Catriona ang kanyang engagement ring sa isang recent event na dinaluhan.
To bolster the talks about their alleged relationship problem ay ang pag-iwas ng Miss Universe 2018 sa mga naroong media members.
Dahil tila may “pattern,” netizens are anxious for Ria and Zanjoe na baka raw magkaroon din ng problema even if they are now already married.