Home ENTERTAINMENT Ina ni Robin, balitang mahina na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ina ni Robin, balitang mahina na!June 18, 2024 13:451680 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sana’y exagg lang ang balitang mahinang-mahina na raw ngayon si Mommy Eva Cariño, ang Padilla matriarch.Sa isa kasing video’y makikitang super bonded ang mga kapatid ni Sen. Robin Padilla.They’re all around Mommy Eva na nasa kama sa kuwarto nito at nagbi-videoke ang kanyang mga anak.Makikita ring kinakausap ng misis ni Robin na si Mariel Rodriguez ang kanyang nakaratay na biyenan.Bumaha naman ng mga comments ang post na ‘yon.Morbid as those comments may sound, palagay ng mga netizens na may “hinihintay” raw si Mommy Eva.Duda nila, ang kukumpleto lang ng kaligayahan ni Mommy Eva ay makitang lahat ang kanyang mga supling.Siyempre, hindi na nga naman kasama roon si Royette who passed on years ago.Sana nga’y isa lang sa mga episode ‘yon kung saan masama lang ang pakiramdam ng Padilla matriarch, at hindi totoong masama ang lagay nito.Si BB Gandanghari daw ang hinala nilang hinihintay ni Mommy Eva.For sure, her face will light up pag bumulaga sa kanyang harapan si ВВ.Matagal nang naka-base si BB sa Amerika na umuwi rito years ago for an important commitment.Here’s praying that Mommy Eva gets well soon! Ronnie Carrasco III