MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Kamara ang motu propio investigation sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs sa bansa simula sa Miyerkules, Hulyo 17.
Ayon kay House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez nitong Lunes, Hulyo 15, inatasan ni Speaker Martin Romualdez ang kanyang komite at ang Committee on Games and Amusement na magsagawa ng imbestigasyon patungkol dito.
“Comprehensively, we will be trying to find out kung ano ang mga criminal elements na involved at sino ‘yung mga involved doon,” ayon kay Fernandez sa ambush interview.
Nang tanungin kung bubusisiin din sa imbestigasyon ang patungkol sa POGO hub sa Bamban, Tarlac, sinabi ni Fernandez na “We don’t want to focus lamang doon kay Alice Guo kasi masyado nang detalye ‘yon. What we wanted to have details ay ‘yung mga criminal activities that were conducted inside doon sa mga POGOs.”
Inimbitahan na para rito ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ), Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF,) League of Cities of the Philippines, at League of Municipalities of the Philippines.
“Kailangan nating malaman bakit sila nagco-conduct ng mga ganitong criminal activities inside. Ano ba ito, dahil kailangan nilang magkaroon sila ng mga different kind of scam in order for us to have a much higher profit? Sinong mga nagbebenepisyo sa mga profits na ito? Meron bang mga LGUs? Meron bang tinatawag nating PNPs? Meron bang other personalities?” ani Fernandez.
Sinabi pa nito na dapat ay magkaroon ng inisyatibo ang mga alkalde na ipasara ang mga illegal POGO hub sa halip na umasa sa PAOCTF at DOJ na maghabol sa mga ito.
“Kung illegal ‘yung POGO, the mayor should be responsible, na dapat alam niya na may illegal na nagaganap sa kanyang lugar. And thereby requesting them to do their job and responsibility to close yung mga illegal. Kasi kung iisa-isahin natin ang PAOCTF o DOJ sa pagsampa para maisara yon, I think we will take many months to do that,” dagdag ni Fernandez.
“Ayoko ng sugal. But of course, meron tayong mga legal na gambling. And we subscribe on the laws that is existing in this country. And that is why we protect the legal and siguro tanggalin natin ‘yung illegal. Sugal na nga ‘yon tapos gagawin mo pang ilegal. That’s too much,” personal na opinyon ni Fernandez.
“Nadinig ko nga si (PAGCOR Chair) Al Tengco na nakakatulong sa ating gobyerno. Totoo namang nakakatulong. Pero kung ang nangyayari naman, nakakaapekto sa seguridad ng ating bansa, I think we have to stop it,” dagdag ni Fernandez. RNT/JGC