Home METRO 2 timbog sa P13.6M tobats

2 timbog sa P13.6M tobats

112
0

MANILA, Philippines- Naaresto ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dalawang drug suspects at nasabat ang mahigit P13.6 milyong halaga ng shabu sa isang sting operation sa Manila nitong Martes.

Sa ulat, sinabi ni NCRPO Director Maj. Gen. Jose Melencio na nadakip ang mga suspek na sina Anthony Reyes, 42, at Lovely Joy Gonzales, 38, sa isang buy-bust sa loob ng isang budget hotel sa kahabaan ng P. Campa St., Barangay 462 sa Sampaloc district ng lungsod bandang alas-2:35 ng madaling araw.

Nakuhanan ang mga suspek ng 2.2 kilo ng shabu sa loob ng dalawang malaking tea bags at limang transparent plastic sachets.

Ani Nartatez, dinala ang mga suspek sa Barbosa Police Station (PS-14) at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Samantala, nahuli ng mga miyembro ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang dalawang high-value drug suspects sa isang buy-bust operation sa Tacloban City, Leyte dakong alas-12:30 ng madaling araw nitong Martes.

Inihayag ni PDEG chief Brig. Gen. Eleazar Matta, sa isang ulat, na nadakip sina Sherwin Zeta, 46, nasa priority target list ng PDEG at ng Police Regional Office (PRO) 8 (Eastern Visayas), at June Noe Ballais, 48, natukoy na high-value individual ng PRO 8.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang halos 80 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P544,000, maging non-drug evidence.

Dinala ang mga suspek sa Police Station 2 Tacloban City Police Office para sa dokumentasyon at wastong disposisyon habang itinurn-over naman ang drug evidence sa PNP Forensic Group sa bayan ng Palo para sa pagsusuri. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here