Manila, Philippines – Viral ang isang TikTok video na ipinost ng user na renzoren sa social media.
Kuha ang materyal na ‘yon sa isang nightclub sa Las Piñas City.
Bale ba, ang “tampok” sa video na ‘yon ay ang mag-inang Abegail Rait at Gaile Francesca.
Kung matatandaan, October last year nang magpakilala sa publiko si Abegail bilang nakrelasyon umano ng Master Rapper na si Francis Magalona.
Sa loob daw nang 15 taon ay pinili niyang manahimik kahit nagbunga ng isang supling ang kanilang relasyon.
Sa video, binash ng mga netizen ang ginawang pagsasayaw ni Gaile sa stage pa mandin.
Makikitang nag-twerk pa ito sa saliw ng awiting Water ni Tyla.
May kuha ring umiindak ang mag-ina na may hawak ng lobo.
Labis na pinagtatakhan ng mga netizens ay una, kung bakit pinayagan sa loob ng nightclub si Gaile na isang menor de edad?
Ikalawa, bakit tila kinunsinti pa ni Abegail ang ginawang pagsasayaw ng anak, na kahit nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao sa loob ay mali pa ring payagan niya ito?
Wala man lang daw nakapagsabi kay Abegail na bawal ang mga menor de edad sa mga ganoong lugar?
Hindi ba aware mismo ang ina?
Minsan nang ipinagtanggol ni Abegail ang kanyang sarili laban sa mga namba-bash sa kanila.
Aniya, para raw silang mga libro na hinuhusgahan ng tao batay sa pabalat.
Ang iba nama’y introduction lang ng libro ang binabasa, hindi ang kabuuang nilalaman nito.
The last time Abegail made news ay nang tumakbo siyang kagawad sa kanilang lugar sa Cavite, pero bigo siya.
Nabalita ring may gamit si Francis M na ibinenta niya kay Boss Toyo.
As regards Gaile, nais naman daw nitong pumasok din sa showbiz. Ronnie Carrasco III