Home NATIONWIDE Garcia suportado ng Comelec union

Garcia suportado ng Comelec union

129
0

MANILA, Philippines- Nagpahayag ng suporta ang employee’s union ng Commission on Elections (Comelec) sa poll body habang tinutuligsa ang umano’y “systematic attack” sa kredebilidad ng institusyon bago ang May 2025 elections.

Sinabi ng Comelec Employee’s Union (Comelec-EU) na naninindigan ito para kay Comelec cahirman George Garcia na nasangkot sa umano’y mga kaso ng panunuhol.

Sumasang-ayon ang unyon kay Garcia na ito ay isang “well-oiled demolition job” na malinaw na sinadya upang sirain ang tiwala ng publiko sa automated election system.

Sinabi ng grupo na ang atake kay Garcia at liderato ng Comelec ay isang pag-atake sa institusyon at direktang pagsuway sa kredebilidad ng halalan na pinaghirapang itaguyod at pangalagaan.

Ang pagsuporta at mariing pagtuligsa ng Comelec -EU ay matapos kwestiyunin ni SAGIP party-list representative Rodante Marcoleta ang Comelec sa paggawad nito sa P18-bilyong automated election contract sa joint venture kabilang ang Korean firm Miru sa gitna ng umano’y pagkakaroon ng 49 offshore bank accounts kung saan tumanggap umano ito ng suhol mula sa South Korean banks.

Sinabi rin ni dating Comelec Rep. Edgar Erice na nakatanggap din ito ng package mula sa Bahamas na umano’y naglalaman ng bank records mula sa panunuhol at listahan ng ari-arian ng isang Comelec official.

Sinabi naman ni Garcia na ang mga dokumento ay hindi pa beripikado at nang suriin ang hindi bababa sa dalawang bangko , sinabi niya na wala angaccounts. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here