Home METRO Ikaapat na biktima ng pamamaril sa Bacolod ngayong linggo, iniulatMETRONATIONWIDETOP STORIES Ikaapat na biktima ng pamamaril sa Bacolod ngayong linggo, iniulatJuly 17, 2024 16:021300 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Itinumba ang isang 39-anyos na lalaki sa Barangay Sum-ag, Bacolod City nitong Martes, Hulyo 16.Kinilala ni Police Capt. Michael Tuburan, hepe ng Police Station 9, ang biktima na si Gregg Alvin Gelito ng Barangay 35, ng nabanggit na lungsod.Pasakay na sana ang biktima sa pick-up truck nito nang barilin ito sa ulo ng dalawang hindi pa tukoy na suspek.Dinala sa South Bacolod General Hospital ang biktima ngunit idineklarang nasawi.Narekober sa crime scene ang tatlong empty shells at dalawang deformed 9mm slugs.Si Gelito ang ikapat na biktima ng pamamaril sa lungsod mula pa noong linggo.Dagdag sa tatlong nasawi kabilang ang isang 12-anyos na bata. RNT/JGC