Home NATIONWIDE Bentahan ng kidney pinaiimbestigahan sa Kamara

Bentahan ng kidney pinaiimbestigahan sa Kamara

146
0

MANILA, Philippines – Nais paimbestigahan sa Kamara ang illegal na bentahan ng mga kidney sa bansa na tinawag ng mambabatas bilang “human bopis for sale.”

Ang panawagan na ito ni Agri party-list lawmaker Wilbert Lee ay sa ilalim ng inihain niyang House Resolution 1803, sa pagsasabing ang mga ganitong modus ay tumatarget sa mga mahihirap na Filipino at lumalabag sa Organ Donation Act of 1991 at Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

“Many kidney donors, particularly those from vulnerable communities such as slums, are often unaware of the risks and side effects of the operation. Sinasamantala ng mga ganitong modus ang mahihirap nating kababayan,” saad sa pahayag ni Lee.

“Ang nakakabahala dito, may mga sangkot pa umanong doktor at nurse–sila na pinagkakatiwalaan ng ating mga kababayan, pero sila pa palang nagtutulak lalo sa kanila sa kumunoy ng kapahamakan,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal sa San Jose Del Monte, Bulacan sa pagiging sangkot sa umano’y organ trafficking syndicate.

Kinilala ang mga suspek na sina National Kidney Transplant Institute (NKTI) staff nurse Allan Ligaya na hinihinalang lider ng illegal organ trade na pinaghahanap pa, habang ang tatlong doctor ay ipinatawag ng NBI sa paglahok sa blood matching ng mga donor.

Napaulat na ang siyam na mga biktima na nasagip ay inakit umano sa kabayarang P200,000 kapalit ng kanilang mga kidney at isinasagawa sa mga bahay. Bago rito ay may ilan pang prosesong ginagawa bago tuluyang mailipat ang kanilang mga kidney.

“This may only be the tip of the iceberg. Based on our team’s research, you can easily search for Facebook groups openly engaged in illegal organ trade,” ani Lee.

“We need to investigate this as soon as possible to hold those perpetrators accountable. Filipinos deserve better, and we should demand better. Hindi totoong natutulungan ang mga nangangailangan kung kikita sila kapalit ang kanilang kalusugan, o mismong ang kanilang buhay,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here