Home NATIONWIDE Dalawang LPA sa PAR, posibleng maging bagyo

Dalawang LPA sa PAR, posibleng maging bagyo

154
0

MANILA, Philippines – Posibleng mabuo bilang isang bagyo ang dalawang low pressure area na minomonitor ng PAGASA sa loob ng Philippine area of responsibility.

As of 8 a.m. nitong Biyernes, Hulyo 19, namataan ang unang LPA sa layong 225 kilometro kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro o nasa West Philippine Sea.

Posibleng mabuo ito bilang isang bagyo habang papalayo sa landmass ng Pilipinas.

Samantala, ang ikalawang LPA ay namataan 840 kilometro silangan ng Eastern Visayas at possible ring mabuo bilang bagyo habang kumikilos sa direksyong northwestward sa Philippine Sea.

Hindi naman nakikita na magla-landfall ang bagyo sa ngayon.

Kung anuman ang mauunang LPA na mabuo bilang bagyo ay tatawagin itong Butchoy at ang isa naman ay Carina. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here