Home ENTERTAINMENT Echo, binasted ni Kathryn, bumaling kay Janine!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Echo, binasted ni Kathryn, bumaling kay Janine!July 20, 2024 13:451610 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Love on the rebound nga bang matatawag ang pagbaling ni Jericho Rosales ng kanyang atensyon kay Janine Gutierrez?From the looks of it ay higit pa sa pagiging magkasama sa aabangang teleserye ang kanilang closeness.Kamakailan nga’y sighted sina Janine at Echo sa National Museum.“Tinukso” pa nga ni Lotlot de Leon ang kanyang anak kung sino ang kasama nito.So, are we to assume na si Janine ang bagong apple of the eye ni Echo?By bago, we mean after Kathryn Bernardo.Balita kasing pinormahan din ng aktor ang aktres.But what’s this we heard na hindi nagtagumpay ang aktor?Ang kumpirmadong balita is that may pursigidong non-showbiz guy ang kasalukuyang nagpapalipad-hangin kay Kathryn.Pero “maramot” ang source ng balitang ito.Ayaw sabihin ng source kung ano ang background ng masugid na manliligaw ni Kathryn.Isa lang ang tiyak: hindi totoong may MU na o mutual understanding sina Kathryn at Alden Richards.In short, ilusyon lang ‘yon! Ronnie Carrasco III