Home NATIONWIDE PBBM nangako sa pagkumpleto ng Bangsamoro peace process – Galvez

PBBM nangako sa pagkumpleto ng Bangsamoro peace process – Galvez

128
0

MANILA, Philippines – Nagbigay na ng go-signal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapatuloy ng buong suporta sa pagkumpleto sa Bangsamoro peace process, ayon kay Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr.

“Unang una, ang guidance niya (Marcos) is one, is full commitment to the completion of the peace process,” ani Galvez nitong Sabado, Hulyo 20.

“Pangalawa, sabi niya is talagang ibuhos natin ang suporta particularly sa Bangsamoro kaya ngayon nakikita namin ‘yung lahat ng LGUs (local government units) ngayon, they are allocating resources particularly sa Bangsamoro,” dagdag pa ng opisyal.

Sa isang media forum, ipinresenta ni Galvez ang status ng peace process at mga accomplishment sa peace agenda ng administrasyong Marcos.

Para sa Philippine government-Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace process, sinabi ni Galvez na nasa 26,145 combatants at 4,625 armas na ang na-dekomisyon.

Nasa P3.5 bilyong halaga ng transitional cash assistance at iba pang socio-economic packages sa 26,145 decommissioned MILF combatants.

Ayon pa kay Galvez, nakumpleto na ang P602 milyong halaga ng proyekto sa 33 core barangays sa anim na MILF camps.

Para sa government-Moro National Liberation Front peace process, sinabi ni Galvez na nakumpleto na ng 1,802 combatants ang beripikasyon at socioeconomic profiling process, at nakatanggap ng P90 milyong halaga ng transitional cash assistance.

Tinukoy ng pamahalaan ang 79 proyekto na nagkakahalaga ng P125 milyon sa 25 priority MNLF communities.

“The President’s guidance is really to [complete] the peace process. Ang sabi nga niya… there should be a complete change on the lives of many Filipino, particularly, we should create more jobs, we have to irrigate more lands and then we have to improve ‘yung human dignities of everybody, para lahat ng mga tao, particularly ‘yung affected areas, ay magkaroon upliftment ang kanilang pangkabuhayan,” ani Galvez.

Idinagdag pa ng OPAPRU chief na nakatanggap ng kabuuang 578 amnesty applications ang National Amnesty Commission (NAC) sa siyam na Local Amnesty Boards (LABs), hanggang noong Hulyo 12, 2024 o ilang buwan matapos na mag-isyu si Marcos ng amnesty proclamations na layong tulungan ang mga dating insurgents na makabalik sa lipunan.

Karamihan ani Galvez, o 497 sa mga aplikante ay mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People – Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Samantala, 33 dating MILF members at 46 ex-members ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang nagpasa rin ng aplikasyon para sa amnestiya.

Ang dalawang nalalabing aplikante para sa amnesty ay mga dating miyembro ng Rebolusyonaryong Partidong Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB).

Noong Nobyembre 2023, nag-isyu si Marcos ng Proclamation Numbers 403, 404, 405, at 406, series of 2023, na naggagawad ng amnesty sa mga miyembro ng RPMP-RPA-ABB, CPP-NPA-NDF at kanilang front organizations, MILF, at mga miyembro ng MNLF.

Ang implementing rules and regulations naman para sa amnesty proclamations, ay inisyu noong Mayo matapos na ratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang presidential issuances noong Marso. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here