Home OPINION “BALIK ESKWELA SHOE BAZAAR” SA MARIKINA FREEDOM PARK”

“BALIK ESKWELA SHOE BAZAAR” SA MARIKINA FREEDOM PARK”

108
0

NAG-AANYAYA ang local government unit of Marikina na suportahan ang “Balik Eskwela Shoe Bazaar” na binuksan na nitong July 1, 2024.

Mayroong 43 leather product stalls na maaaring pagpilian ng mga sapatos na magagamit sa nalalapit na pasukan, pang-araw-araw, pamasok sa trabaho, at sa mga espesyal na okasyon.
Maliban sa magaganda at garantisadong matibay ang mga sapatos, factory price itong ibinebenta sa mga estudyante at mga magulang.

Para kay Marikina City mayor Marcy Teodoro malaking tulong sa mga magsasapatos ng lungsod ang gagawing pagtang­kilik ng publiko at makikinabang din ang mga nakapaligid na ibang lungsod.

Bukas ang shoe bazaar hanggang August 18, 2024 na nasa Marikina Freedom Park tapat lamang ng Marikina City Hall.
Sa kasalukuyan ay pilit na binubuhay ng Marikina city ang industriya ng sapatos sa lungsod na kilala sa kalidad at tibay na maaasahan.

Ang lungsod ang kinikilalang “shoe capital of the Philippines” na ang industriya ay nagsimula pa noong 1887 sa pa­mamagitan ni Don Laureano “Kapitan Moy” Guevara. Mara­ming buhay ang gumanda dahil sa paggawa ng sapatos. Pero sa pagpasok ng bansa sa global trade liberalization noong 90’s ay bumaha na ang mas murang sapatos na mula sa China, Taiwan at Korea.

Kung tatanungin ninyo ang inyong Agarang Serbisyo Lady, anong brand ng sapatos ang sinusuot at mairekomenda ng inyong lingkod. Ito ang totoo! Mula kindergarten hanggang sa pagtapos ng pag-aaral, Gibi shoes ang sinusuot naming magkakapatid “The All Season All Occasion Shoes”. Maraming mapagpipilian, hindi masakit sa paa at masusuot mo nang matagalan. Matibay ang suelas at hindi basta-basta natatanggal.

Ang Gibi shoes ay itinatag noong 1984 sa Marikina, Phi­lippines ng pamilya Castro. Orihinal na tinatawag na Phentoe Shoe Supply, nagsimula ang kompanya sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga accessory ng sapatos noong 1973 bago makipagsapalaran sa paggawa ng sapatos sa ilalim ng pangalang GIBI Shoes noong 1984.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here