MANILA, Philippines – Patay sa sunog ang isang indibidwal na nakatira sa isang residential area sa Barangay Bagong Barrio, Caloocan City bago ng madaling araw nitong Martes.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasawi na isang babae na may edad 59 taong gulang.
Umabot naman sa tatlong pamilya ang nawalan ng tirahan, dagdag pa ng BFP.
Sumiklab ang sunog bago mag alas-4 ng madaling araw sa kahabaan ng Arellano Street.
Itinaas ng BFP ang unang alarma, at lima sa mga firetruck ng bureau ang rumesponde, gayundin ang mga fire volunteer.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng isang team leader ng Barangay 133 na posibleng isang hindi nabantayang kandila ang nagdulot ng apoy.