Home METRO Gasolinahan sa Dasma, hinoldap!

Gasolinahan sa Dasma, hinoldap!

171
0

MANILA, Philippines – Tatlong kalalakihan na magkaangkas sa isang motorsiklo ang nanloob sa isang gasolinahan at tinagay ang kita nito sa Brgy Salitran 4, Dasmarinas City, Cavite.

Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng pulisya ang tatlong kalalakihan na magka-angkas sa isang motorsiklo na tumakas matapos ang insidente.

Ayon ulat, bandang alas-10:22 ng umaga nang naganap ang insidente sa Phoenix Gasoline Station na matatagpuan sa Lot 2 & 3, The Orchard, Brgy Salitran 4, ng nasabing lungsod.

Dito bumaba ang dalawang sakay at nagkunwaring pumunta sa comport room para umihi subalit dumiretso sa opisina ng gasolinahan, at nagdeklara ng holdap hanggang sa tinangay ang hindi pa batid na halaga na kita nito at isang Redmi 9C na cellphone.

Matapos ang panghoholdap, sumakay ang dalawang suspek sa motorsiklo na tumungo sa direksiyon ng Abad Santos Avenue.

Nagsasagawa ang pulisya ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) sa dinaanan ng mga suspek at posibleng pagkakakilanlan sa mga ito. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here