MARIKINA, Philippines – Itinaas na sa ikalawang alarma ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong Miyerkules ng umaga dahil sa malakas na pag-ulan, ayon sa tanggapan ng pampublikong impormasyon ng Marikina City.
Ang pangalawang alarma ay nangangahulugan na ang lebel ng tubig ay umabot sa 16 na metro at ang mga residente ay pinapayuhan na lumikas.
Sa update as of 6:45 a.m., sinabi ng Marikina government na bukas ang lahat ng mga floodgate ng Manggahan dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog.
Nauna rito, itinaas ang unang alarma alas-5:30 ng umaga dahil tumaas ang tubig sa 15 metro na nangangahulugang dapat “maghanda” ang mga residente.
Itataas nito ang ikatlong alarma kapag umabot na sa 18 metro ang tubig na nangangahulugan na ang lokal na pamahalaan ay magpapataw ng “forced evacuation”.
Binabantayan ng local government unit ang lebel ng tubig sa Marikina River habang patuloy ang pagbuhos ng ulan dahil sa Southwest Monsoon na pinalakas ng Bagyong Carina. RNT