Home NATIONWIDE Working visa ng POGO workers babawiin ng BI

Working visa ng POGO workers babawiin ng BI

101
0

MANILA, Philippines – BABAWIIN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga visa na ipinagkaloob sa mga dayuhang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firms kasunod ng kautisan ni Pangulong Fersinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa pagbabawal sa mga online gambling companies sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na makikipag-ugnayan ang ahensya sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa pagkansela ng mga permit na inisyu sa POGO hubs at mga dayuhang empleyado nito.

Ibinahagi din ni Tansingco na mas malaki ang masamang epekto ng mga POGO Hubs kumpara sa mga ibinibigay na benepisyo nito kung saan ibinahagi ng BI na umabot na sa 2,300 dayuhang manggagawa na nagtatrabaho sa mga scam hub ang naipa-deport.

Ipinagbawal ni Pangulong Marcos Jr. ang lahat ng POGO sa bansa matapos ang sunud-sunod na pagsalakay laban sa mga iligal na POGO na kung saan nadiskubre ang mga kagamitang ginagamit para sa torture, love scam, at iba pang krimen.

Nauna nang sinabi ng DOLE na mag-aalok sila ng mga trabaho at livelihood program sa mga manggagawang Pilipino na apektado ng pagbabawal sa mga POGO.

Sinabi naman ng PAGCOR na may 40,000 empleyadong Pilipino mula sa mga POGO firm ang maaapektuhan ng nasabing pag-Ban dito. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here