Home NATIONWIDE PCG, ilang gov’t agencies sanib-pwersa sa paglikas sa mga binaha sa pagbayo...

PCG, ilang gov’t agencies sanib-pwersa sa paglikas sa mga binaha sa pagbayo ni ‘Carina’

151
0
Larawan mula sa Facebook page ng Coast Guard District Southern Tagalog

MANILA, Philippines- Puspusan ang ginagawang rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang mga ahensya ng gobyerno upang ilikas ang mga residente na lubog na sa baha bunsod ng walang humpay na pag-ulan dahil sa bagyong Carina.

Karamihan sa mga kabahayan ay umabot na sa bewang ang tubig-baha habang sa ilang bahagi ng bansa ay lampas tao na ito.

Sa San Juan at Mandaluyong Metro Manila, ilang residente na ang na-trap na sa loob ng kanilang bahay at napilitang lumikas sa mas mataas na lugar.

Karamihan sa mga inilikas ay mga bata.

Sinaklolohan din ng rescue team ng PCG ang mga barangay na binaha sa Romblon.

Inilikas naman ang mahigit 200 residente ng Barangay Maguihan, Lemery, Batangas.

Ang mga residente naman ng Barangay Vasra-Pael sa Quezon City ay nanawagan na rin ng tulong dahil ang mga residente ay nasa bubong na ng kanilang mga bahay.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang rescue operations sa iba’t ibang bahagi ng bansa na apektado ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here