Home NATIONWIDE Higit P183K pamilya apektado sa habagat, 2 weather disturbances

Higit P183K pamilya apektado sa habagat, 2 weather disturbances

92
0

MANILA, Philippines- Umabot na sa 183,464 pamilya na binubuo ng 882,861 katao ang apektado ng pinagsamang epekto ng h abagat, bagyong Carina, at dating tropical depression Butchoy.

Ang mga apektadong pamilya ay mula sa 686 barangay sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol region, Western at Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccsksargen, Caraga, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at Cordillera region.

Nananatili naman sa walong katao ang namatay kung saan pito ay kumpirmado, apat mula sa Zamboanga Peninsula at tig-isa naman sa Northern Mindanao, Davao Region, at BARMM.

Kasalukuyang sumasailalim sa beripikasyon ang isang namatay sa BARMM, kasama ang dalawang sugatan at isa namang nawawala sa Northern Mindanao.

May 245 na nasirang bahay sa Mimaropa, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao region, Soccsksargen, Caraga, BARMM, at Cordillera.

Sa pinakabagong update ng NDRRMC, sinabi nito na may 8,230 pamilya, binubuo ng 35,388 indibidwal ang inilagay sa 90 evacuation centers habang 115,668 pamilya o 576,936 katao naman ang nakatanggap ng tulong sa labas ng evacuation sites.

Tinatayang umabot na sa P29,121,981.9 ang halaga ng tulong na ibinigay sa mga apektadong pamilya sa Mimaropa, Western at Central Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at Caraga.

Samantala, inihanda na ng Philippine Army (PA) ang humanitarian assistance and disaster response (HADR) teams para sa deployment.

Sa isang kalatas, sinabi ni PA spokesperson Col. Louie Dema-ala na ang 2nd, 5th, at 7th Infantry Divisions ay mayroong 1,572 tauhan na nakaantabay, kabilang na ang 119 land at anim na waterborne assets para sa rescue and relief efforts sa may mataas na tubig-baha at landslide-hit communities.

“The PA leadership directed units in typhoon-affected areas to coordinate with regional, provincial, and municipal disaster and risk reduction management offices to form part of the Incident Command System that are activated within their respective areas of operations and responsibilities,” ayon kay Dema-ala. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here