Home ENTERTAINMENT Maris, tinawag ni  na ‘masyonda’ si Vice!

Maris, tinawag ni  na ‘masyonda’ si Vice!

124
0

Manila, Philippines – Sa kanyang X social media account, hindi napigilan ni Vice Ganda na mag-react sa isang lumang vlog.

Ito ay may kaugnayan sa isang viral video kung saan naglaro ng “Pipilahan o Di Pipilahan”challenge si Maris Racal kasama sina Jai Agpangan at Kyo Quijano.

Nagbanggit sila ng celebrities na pak o hindi para sa kanila.

Ani Maris, si Meme raw ang tipong pipilahan niya.

Sey pa niya, feeling niya ang gandang maging ate ni Vice dahil iga-guide siya nito sa buhay.

Dagdag pa niya, marami rin daw siyang wisdom na matututunan sa “It’s Showtime” host at Unkabogable Star.

Bukod dito, puring-puri rin niya si Meme sa iba pa nitong mga katangian.

Tinawag din niyang “may edad na na beki” ang comedian.

Ni-repost naman ni Vice ang naturang clip sa X.

Reaksyon niya:  “Hoyyyy talaga ba @MissMarisRacal???? “MAY EDAD NA NA BEKI?!!!!”!!!! Talaga lang ha!!!!!”

Umani naman ng samu’t-saring komento sa netizens ang kanyang reaksyon.

May mga natuwa at meron din namang tinudyo pa ang komedyante sa pagiging patola.

Hirit pa ng iba, naimbudo raw si Meme sa pagtawag sa kanya ng gurang ni Maris, although no pun intended naman ito para sa aktres.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Seryoso mo naman sa life.”

“Meme ang dami nilang sinabing magaganda about sayo tapos yan talaga napansin mo.”

“Patola.”

Sina Vice at Maris ay magsasama sa MMFF movie na “And The Breadwinner Is”, ang comeback movie ng Meme sa taunang piyesta ng pelikulang Pilipino. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here