MANILA, Philippines- Nakatakdang personal na dalawin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang evacuation centers sa Metro Manila kasunod ng pananalasa ni super typhoon Carina na nagdulot na malawakang pagbaha sa capital region ng bansa.
Sumakay si Marcos sa isang military truck na may kargang mga kahon ng relief goods na ipamamahagi sa mgha biktima ng bagyo.
Unang bibisitahin ng Pangulo ang isang evacuation center sa Barangay Malanday, Valenzuela City.
Umalis si Bagyong Carina ng Philippine area of responsibility nitong Huwebes ng umaga subalit patuloy na palalakasin ang southwest monsoon o habagat na magpapaulan sa kanlurang parte ng Luzon hanggang sa weekend, base sa PAGASA. RNT/SA