Home METRO Pasig bridge na sapul ng barges isinara muna

Pasig bridge na sapul ng barges isinara muna

159
0

MANILA, Philippines- Sinusuri ng mga awtoridad ang F. Manalo Bridge sa Pasig City matapos itong mapinsala ng kolisyon ng barges at mga bangka sa gitna ng pananalasa ni Bagyong Carina.

Sa ulat nitong Huwebes, napinsala sa pagsalpok ang suporta ng tulay.

Nagkaroon din ito ng lamat, habang ilang poste ang bumigay.

“We requested also na bigyan kami ng ample time to investigate yung integrity ng structure whether we can still retrofit or totally condemn,” pahayag ni Grecile Christopher Damo, project manager ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Unified Project Management Office – Flood Control Management Cluster.

Tinukoy ni Damo ang insidente na isang “aksidente” batay sa barges na nakatali ayon sa standard operating procedure.

“This is purely an accident although it’s still under investigation. Ang nangyari kasi sobrang lakas na ng current due to excessive rainfall dun sa bundok, yung mga barge natin natangay pa rin ng current ng tubig,” giit ni Damo.

Hindi na rin muna madaraanan ang tulay at pansamantalang isinarado.

Inihayag ni Bryant Wong, Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office chief, na mayroong mga alternatibong ruta para sa mga motorista.

“What we need to do there is to get an assessment as to whether or not we can use the bridge, Marcos,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa situational briefing kasama ang mga kaukulang ahensya.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority acting chair Don Artes na tumama rin ang barges at mga bangka sa pumping station at flood gate.

Subalit, walang tinamong pinsala at hindi naapektuhan ang mga operasyon.

Base pa sa ulat, nasa 20 indibidwal ang nasagip sa insidente. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here