MANILA, Philippines- Pinuri ng China nitong Huwebes ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagbawal ang Philippine offshore gaming operators (POGOs) na naging pugad ng iba’t ibang ilegal na aktibidad.
“We have noted President Marcos’ announcement of banning all POGOs and welcome this development. We believe this decision echoes the call of the Philippine people and serves the common interests of people of both countries,” pahayag ng Chinese Embassy sa Pilipinas.
Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address, sinabi ni Marcos na sangkot ang POGOs sa mga ilegal na aktibidad kasunod ng mga pagsalakay sa ilang hubs kung saan nadiskubre ang torture chambers, love scams, at iba pang krimen.
Hinikayat ng Chinese embassy ang Philippine government na ipagbawal ang POGOs sa Manila, binigyang-diin na hindi kinukunsinti ng Beijing ang anumang uri ng sugal.
Inulit ng embahada ang paninindigan nito sa POGOs, at iginiit na handang tumulong ang China sa pagbuwag sa mga ito.
“The Chinese government strictly cracks down on Chinese citizens engaging in overseas gambling businesses including POGO… In line with this commitment, China is ready to continue its strong law enforcement cooperation with the Philippines and better protect the safety and well-being of the two peoples.”
Noong 2023, tinulungan ng Chinese government ang Pilipinas na isara ang limang POGO hubs at pauwiin ang halos 1,000 Chinese citizens, naunang pahayag ng embahada. RNT/SA