MANILA, Philippines – Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang House Committee on Appropriations na agad pondohan ang pagsasaayos ng Tangos-Tanza Navigational Gate sa Navotas City na nasira noong Hunyo at syang naging dahilan ng naging malawakang pagbaha sa Metro Manila sa kasagsagan ng bagyong Carina.
“The recent typhoon exposed critical weaknesses in our infrastructure, and the damaged Navotas floodgate significantly worsened flooding in Metro Manila. Immediate action is essential,” pahayag ni Romualdez.








