Manila, Philippines – Sana’y makalusot ang isasaling pelikula ng Nathan Studios sa 50th Metro Manila Film Festival.
Ito ‘yung Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.
Ipinapalagay na sequel na ito dahil ang naunang Topakk already made the rounds of international film festivals.
Kasama rin dito si Julia Montes.
Hoping kasi ang Nathan Studios matriarch na si Sylvia Sanchez na personal na inabangan ang pag-anunsyo ng first batch of MMFF entries base sa mga isinumiteng script.
Pumuwesto si Sylvia sa bandang likuran ng venue sa Manila City Hall.
Sadly, hindi kasali ang naturang pelikula sa first five.
Umaasa si Sylvia na sa second batch ay lumusot ito.
Ipinaubaya na kasi ni Sylvia sa anak na si Ria Atayde ang pamamahala ng Nathan Studios.
Baka nga naman may suwerteng hatid ang ipinagbuhuntis ni Ria sa asawang si Zanjoe Marudo.
Nagpa-baby shower na kasi si Sylvia na dinaluhan ng pamilya’t mga kaibigan.
Mismong ang attendees na mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño ang nagkumpirmang it’s a baby boy for the couple.
Mukhang ka-birth month pa ng unang apo nina Sylvia at Art Atayde si Ice.
Sa ngayon, wala pang naiisip na pangalan sina Ria at Zanjoe para sa kanilang magiging supling. Ronnie Carrasco III