Home NATIONWIDE PhilSA naglabas ng mapa na nagpapakita ng posibleng lawak ng Bataan oil...

PhilSA naglabas ng mapa na nagpapakita ng posibleng lawak ng Bataan oil spill

135
0

MANILA, Philippines- Nagpalabas ng mapa ang Philippine Space Agency (PhilSA) na nagpapakita ng potensyal na laki o lawak ng oil spill mula sa tumaob na Philippine-flagged Motor Tanker Terra Nova sa lalawigan ng Bataan.

“It includes the tanker’s location as well as a satellite image of the oil leak that was taken at 5:40 a.m.,” ayon sa PhilSA.

“The image was retrieved from the International Charter Space and Major Disasters, which provides Earth-observation satellite data to support disaster management efforts,” ayon naman sa ulat.

”Please be advised that this map is still subject to field validation,” giit pa ng PhilSA.

Samantala, kumikilos na ang awtoridad para mapigilan ang tumagas na langis mula sa lumubog na Philippine-flagged Motor Tanker Terra Nova sa may parte ng Manila Bay sa may bayan ng Limay sa probinsya ng Bataan.

Ayon kay Philippine Coast Guard Rear Admiral Armand Balilo, sakaling lahat ng 1.4 milyong litro ng langis na laman ng tanker ay tumagas sa dagat, maaaring umabot ito sa baybayin ng kapital ng bansa sa Maynila.

Kung nagkataon, ito na ang maituturing na pinakamalalang oil spill sa kasaysayan ng bansa.

Sa kasalukuyan, ayon sa PCG official ay tanging ang working fuel ng tanker o langis na ginamit ng tanker ang tumagas na minimal lamang.

Mayroon naman aniyang contingency plan ang ahensya maging pagdating sa worst-case situation.

Pinakilos na rin ang marine environmental protection personnel ng PCG para mapigilan ang oil slick.

Nagpadala na ang PCG ng personnel sa Navotas, Bulacan at Pampanga para i-monitor at paghandaan ang posibleng oil spill kasunod ng insidente at idineploy na rin ang BRP Melchora Aquino para magsagawa ng search and rescue operations.

Ayon sa opisyal, nasa 16 mula sa 17 crew na lulan ng tanker ang naisalba na, kung saan nasawi ang isa sa mga ito.

Una rito, patungo sana ang MT Terra Nova sa Iloilo para maghatid ng langis nang tumaob at kalauna’y lumubog ang tanker sa silangan ng Lamao Point sa bayan ng Limay bandang ala-1:10 ng madaling araw nitong Huwebes. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here