Home METRO Taguig solon binatikos sa ‘di pagsunod ng evacuation center protocol

Taguig solon binatikos sa ‘di pagsunod ng evacuation center protocol

159
0

Kaliwa’t kanan ang batikos na inabot ni Taguig 2nd District Representative Cong. Pammy Zamora mula sa mga residente, netizens, at empleyado ng barangay at lungsod dahil sa hindi niya pagsunod sa protocol, at paninigaw sa mga kawani sa isang evacuation center sa Barangay Fort Bonifacio nitong Huwebes, Hulyo 25.

Sa isang viral video na kumakalat sa Facebook, makikita si Cong Zamora na nagagalit sa mga empleyado na nasa Gat Andres Bonifacio High School dahil diumano ay hindi siya pinapapasok para makapagbigay ng tulong sa evacuees.

Ngunit ayon sa City Social Welfare and Development Office staff na si Faisal Gamao, maayos na pinapaliwanagan ang Congresswoman tungkol sa kailangang koordinasyon sa CSWD ngunit bigla na lang daw silang pinagsisigawan ng Congresswoman.

“Alam nyo naman po kahit noong Councilor pa kayo na kailangang centralized ang pagtanggap ng donasyon. Ito ay para matiyak na angkop ang mga donasyon, maibigay ito sa mas nangangailangan, at maging maayos ang distribution.

Dagdag ni Gamao, “Napaka-stressful ng kondisyon [ng mga evacuees]. Hindi naman pwede na kahit anong oras na lang ipapatawag sila para makausap sila ng elected official. Pagod na sila. May mga nagpapasuso ng sanggol at nag-aalaga ng mga bata. May mga senior citizens at PWDs. Kaya may takdang oras ng pagbisita sa evacuation centers ang mga nais tumulong.

Hinaing naman ni Ma Jermaine Valdex Cuizon, isang barangay staff na nakatalaga sa nasabing evacuation center,

“Instead na nasa kanya-kanya kaming pamilya ay mas pinili namin na nasa evacuation center para maglingkod pero ano ang naging balik samin? Paninigaw at pag-aakusa ng kung anu-ano na wala namang katotohanan.”

“Paano pa susunod ang ibang mamamayan sa patakaran kung mismong opisyal ng gobyerno ay hindi marunong sumunod?” tanong ni Cuizon.

Hindi maiwasan ng mga netizens at residente na ikumpara ang Congresswoman kay Senator Imee Marcos, First District Congressman Ading Cruz, Jr. at maging ang Megaworld, San Miguel Integrated Logistics, at Victory BGC na maayos na nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at barangay para sa relief distribution nito sa isang evacuation center sa Taguig nitong Biyernes.

Hindi rin napigilan ng iba na punahin ang pag-asta at pagsasalita ng Congresswoman:

The way mag-react ang mukha niya sa harap ng mga tao para niyang mino-mock mga kausap niya. Magsasalita na parang bata tapos tatawa sa huli,” komento ni Aimen.

“Parang nag acting workshop LNG si Pammy Zamora nagdadrama na ayaw papasukin sa end ng video tumatawa nmn,” sabi naman ni Joralyn Linan Geronimo.

“Stupid script, bad acting, poor directing,” puna ni Mariz Andalo.

Madami rin ang mabilis na nakahalata sa tunay na intensyon ng Congresswoman. Ayon kay Aura Franco, astang nagmamayabang sa tulong na dala niya ang Congresswoman na napapalibutan pa ng mga security at napakadaming staff na nagpipicture at video lang sa kanya.

Ganun din ang komento ni JM Candelario, “Wag po nating gamitin ang kalamidad sa pagpapasikat. Hindi po ikakabawas ng pagkatao nyo ang pagsunod sa Protocols. Tumatawa pa kayo sa video na halatang sinasadya nyo yung pagmamaktol nyo.”

Samantala, marami ang nagsisisi kasama na si Jacqueline S. Mariano sa pagboto nila kay Zamora. “Sayang kung bkt naboto pa kita nuon wla ka plang kwenta..pra kang pusa na ngiyaw ng ngiyaw pagkasbi ng ayaw po akng pa2sukinn..sbay ngising aso kitang kita sa vdeo ang sma nmn panuorin.”

Sa kabilang banda, may ilang residente namang nanghinayang sa ayudang ipamimigay sana ng solon.

Sinabi ni Zamorra sa isang pahayag na wala siyang panahon para mamulitika at DSWD relief packs din sana ang ayudang kanilang ipamamahagi.

Sa isang pahayag, nilinaw ng Lungsod Taguig na kailangang sundin ang tamang proseso na itinakda ng lokal na pamahalaan sa pamimigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo at habagat.

“All donations and assistance should be received by and coursed through the City Social Welfare and Development Office. All efforts should be coordinated to ensure efficient and orderly operations, and afford evacuees security and privacy,” paliwanag ng Taguig LGU.

“Even before the pandemic, the city does not allow anybody or any group to just go to the evacuation centers to distribute whatever they want anytime they want. This process is not unique to Taguig. This has been adopted by many government offices, and has become part of standard operating procedures in management of evacuation centers,” saad ng Taguig sa pahayag na inilabas nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here