Home NATIONWIDE Mahihirap na senior bibigyan ng P1k monthly allowance

Mahihirap na senior bibigyan ng P1k monthly allowance

182
0

MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makatatanggap ang indigent senior citizens sa bansa ng P1,000 allowance mula sa gobyerno “to supplement their daily living and medical expenses.”

Sa “The President’s Budget Message” para sa fiscal year 2025 na naka-post sa Department of Budget and Management (DBM) website, binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangan na tulungan ang senior citizens o mga lolo’t lola.

Ang allowance ay hindi lamang inaprubahan para kilalanin ang “moral imperative” sa pangangalaga sa mga matatanda ng bansa “but as a reflection of our nation’s values and commitment to an inclusive society,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sa ilalim ng panukalang 2025 national budget, ang Social Pension for Indigent Senior Citizens ay makatatanggap ng kabuuang budget na P49.8 bilyon para sa 4,085,066 indigent senior citizens.

Magiging katumbas ito ng monthly allowance na P1,000 bawat isang senior citizen.

Inanunsyo ni Pangulong Marcos na ang kabuuang P3 bilyon ay ilalaan para pondohan ang P100,000 cash gift ng mga Pilipino na umabot na sa edad na 100 sa ilalim ng ‘expanded Centenarian Act, o Republic Act No. 11982.’

“There would also be an additional P10,000 cash gift for all Filipinos aged 80, 85, 90, and 95,” ayon sa Pangulo.

May iba’t ibang public service announcements ang naka-post ng iba’t ibang local government units (LGUs) sa kanilang Facebook pages, makikita na ang senior citizens ay iniimbitahang mag-rehistro sa pamamagitan ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) website. Nag-iskedyul naman ang ilang barangay at munisipalidad ng isang ‘registration day onsite’ para tulungan ang senior citizens na mag-rehistro sa website.

Tatanungin sa rehistrasyon ang ‘personal information, economic profile, health condition, at skill set identification.’ Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here