Home NATIONWIDE Babaeng dayuhan na konektado sa West African drug cartel huli sa Pinas

Babaeng dayuhan na konektado sa West African drug cartel huli sa Pinas

143
0

IPINATATAPON ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng kanilang bansa ang kanilang naaresto na isang babaeng Kyrgystani dahil sa pagiging overstaying nito at umano’y pagkakasangkot sa West African drug syndicate.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ng fugitive search unit (FSU) ng BI ang dayuhan na si Anara Ruslanova, 29, na naaresto sa isang residential village sa Makati City noong Hulyo 23.

Ang mga operatiba ng unit ay armado ng isang mission order mula kay Tansingco na nag-isyu nito matapos makatanggap ang bureau ng tip mula sa mga impormante na ang babae ay nananatili sa nasabing lugar.

Naniniwala ang mga operatiba na si Ruslanova ay may kaugnayan sa mga miyembro ng isang West African syndicate na inaresto ng BI at ng National Bureau of Investigation (BI) sa isang bar sa Makati noong Hunyo 20, 2022.

Si Ruslanova ay iniimbestigahan umano ng NBI hinggil sa kanyang kaugnayan sa mga aktibidad ng West African syndicate, partikular ang illegal drug trading activities nito sa bansa.

Nabatid na noong Nob. 21, 2023, iniutos ng BI board of commissioners na i-deport si Ruslanova at isama siya sa blacklist ng imigrasyon, na nagbawal sa kanya sa muling makapasok sa Pilipinas.

Ipinakita ng mga rekord na huling dumating sa bansa ang babaeng Kyrgystani noong Oktubre 4, 2018 at hindi pa umaalis mula noon. Hindi siya nag-aplay para sa anumang uri ng visa upang mapahaba ang kanyang pananatili sa bansa nang legal.

Si Ruslanova ay nasa BI custodial facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan siya mananatili habang naghihintay ng deportasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here