Home ENTERTAINMENT Kyline at Kobe, aamin na?

Kyline at Kobe, aamin na?

158
0

Manila, Philippines – Pag-amin na lang tungkol sa kanilang relasyon ang kulang.

At the rate things are going, tila kinukundisyon na nina Kyline Alcantara at Kobe Paras ang mga netizens–as well as the public in general–into thinking there indeed is something romantic a-brewing between them.

Nitong July 26, Biyernes ay sighted muli ang dalawa.

Ang kaibahan nga lang ay nag-level up na ang sighting sa kanila.

Matatandaang nagsimulang matsismis sina Kyline at Kobe nitong May 19.

Base kasi sa kanilang separate photos on Instagram, mapapansin ang pagkakapareho nito.

Their separate pictures were taken at the same resto in Makati City.

Sinundan ito ng isa na namang sighting sa kanila sa BGC kung saan naglalakad sila habang magkahawaak ang mga kamay (HHWW).

What sets apart the latest sighting of them ay dahil makikitang magka-holding hands uli sila papasok sa isang establishment.

Kasunod ng rumored couple si Benjie Paras na ama ni Kobe.

At kabuntot lang din ang kuya ni Kobe na si Andrei kasama ang kanyang showbiz girlfriend na si Honey.

Bago rito’y magkasama rin sila sa red carpet ng GMA Gala nitong July 20.

Ayon kay Kobe, sinamahan daw niya si Kyline sa naturang annual event bilang “fanboy.”

Aminado ang binata na “phenomenal” daw si Kyline na kailangang tratuhin with importance.

Respectively, bago iniugnay ang dalawa’y balitang sina Kyline at Mavy Legaspi, samantalang na-link naman si Kobe sa anak ni Ina Raymundo.

So, the question is obviously–kailan aamin sina Kyline at Kobe na sila na nga? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here