Home METRO Kelot hinigop ng ilog, dedbol!

Kelot hinigop ng ilog, dedbol!

128
0

ILOCOS SUR- Tigok ang isang 37-anyos na lalaki matapos na malunod sa ilog sa Brgy. Sawat Tagudin ng lalawigang ito kahapon, Agosto 1.

Kinilala ng Tagudin Municipal Police Station ang biktima na si Robel Quines y Dauz, 37, tricycle driver, residente ng Brgy. Pacac ng naturang bayan.

Ayon sa pamangkin ng biktima na nakausap ng mga personnel ng Tagudin MPS, bandang 12:30 ng hapon ay nagpunta sila sa ilog para mangalap ng isda.

Habang nasa ilog sila, lumangoy ang biktima para puntahan ang mga kasama at tulungan silang alisin ang mga lambat nang bigla itong higupin ng ilog.

Agad na hinanap ng kanyang mga kasama ang biktima ngunit nang matagpuan nila ito sa ilalim ng tubig ay unconscious na ito.

Ang biktima ay isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan ng mga rumespondeng MDRRMC personnel.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here