Home HOME BANNER STORY PAL flight sakay mga kongresista binulabog ng bomb joke

PAL flight sakay mga kongresista binulabog ng bomb joke

127
0

Naantala ang pagbalik sa Manila ng Philippine Airlines Flight 2988 mula Tacloban Airport kung saan karamihan sa mga pasahero ay mga kongresista na dumalo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) matapos isang 80 anyos na kapwa pasahero ang magbomb joke.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang 80 anyos na babae na nagloko sa PAL flight attendant at sinabing may bomba na sasabog.

Agad na ipinaalam ng nasabing steward ang bomb joke sa kanyang supervsior dahilan para i-hold ang boarding ng byahe.

Ang mga kongresista na lulan ng PAL Flight 2988 ay kasalukuyan nang nasa loob ng eroplano habang tinatapos ang boarding process para sa iba pang pasahero nang gawin ang bomb joke.

Bilang standard operating procedure sa ganitong insidente ay pinababa ang lahat ng pasahero at inulit muli ang inspection sa eroplano at sa lahat ng mga bagahe.

Dalawang K9 dogs ang dineploy ng airport security para suriin ang mga bagahe ng mga pasahero.

Mahigit dalawang oras ang dinulot na delay ng nasabing biro ng senior citizen na hindi na pinasakay ng eroplano at kasalukuyang iniimbestigahan.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines na nasa 70 kongresista ang sakay ng nasabing flight.

Nang matiyak na ligtas na ang lahat at walang katotohanan ang bomb threat ay itinuloy din ang byahe pabalik ng Maynila.

Sa panig ni Agri Partylist Rep Wilbert Lee sinabi nito na dapat magpakalat ng mga impormasyon sa paligid ng airport ukol sa bomb joke lalo at marami pa rin ang hindi nalalaman na ito ay may karampatang parusa.

Nasa 241 kongresista ang dumalosa unang anibersaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na programa ni Pangulong Bongbong Marcos sa Tacloban City kungbsaan P1.26 Billion halaga ng government services at financial aid ipinamahagi ng gobyerno sa Eastern Visayas para.sa 253,000 beneficiaries. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here