Nabenepisyuhan ang nasa 3,000 individual sa Metro Manila na naging biktima ng pagbaha dulot ni Carina , at habagat.
Sa mga Barangay Nangka at Barangay Concepcion Uno, kapwa sa Marikina, 2,000 katao ang nakatanggap ng cash aid at food relief packs na nagkakahalaga ng 3 million pesos; samantalang 1,000 beneficiaries sa Barangay Maybunga, Pasig ang sinuportahan din.
Nananatiling nasa isipan ni dating senador Manny Pacquiao ang mga kababayan habang nasa laban siya sa Japan laluna sa mga flood victims ng Typhoon Carina at ng Habagat.
Kabilang sa ipinamahaging tulong ng Kampeyon ay food supplies, clothing, at iba pang essential resources, upang makarecover ang mga pamilya sa mapaminsalang epekto ng bagyo at monsoon rains.
Ang ginawa ni Pacquiao ay pagpapatibay sa kanyang commitment na giving back sa bansa at mamayan nito.
“Even in victory, the true measure of success is the ability to make a difference in the lives of others,” anang kampo ng dating senador pacquiao. Dave BaluyotÂ