Home ENTERTAINMENT Demand ni Kiray sa jowa: P1M wedding ring!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Demand ni Kiray sa jowa: P1M wedding ring!August 3, 2024 14:141540 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – “Ang haba ng hair ko!” halos ipagsigawan ni Kiray Celis ang mga katagang ito.Paano ba naman daw kasi, hindi siya kundi ang boyfriend niyang si Stephan Estopia ang atat na atat na pakasalan siya.Pero nagbiro si Kiray na papayag lang daw siya sa isang kundisyon.“Sabi ko talaga sa jowa ko, gusto Ko, P1M ang wedding ring ko! Pero joke lang ‘yon, ayoko pa,” pag-amin ng komedyana.What’s holding her back ay dahil ngayon pa lang daw niya nae-enjoy ang perang kinikita niya.Pero aminado si Kiray na hati ang kanyang isip.May kinalaman daw ‘yon sa pananakot sa kanya ng isang doktor.Kuwento niya: “Nalaman niya kasi that I’ll be turning 30 this July 29.“Dapat daw magka-baby na ‘ko!”But Kiray stands her ground: kasal daw muna bago baby.At 30, doesn’t she feel old?Aniya: “Hindi, siguro dahil sa bahay, napapaligiran ako ng mga pamangkin kong bagets.”Nasa stage daw ngayon si Kiray na mas watchful na siya sa kanyang food intake.Itinuturing niyang malala ay ang pagkain nang isang beses lang sa isang araw.Solved na rin daw siya sa isang basong non-fat milk.“Kaya pag nagugutom ako sa gabi, itinutulog ko na lang o kaya sasabihin ko sa sarili ko: ‘Bored ka lang!'” aniya.Tanong ng marami, bakit sa kabila ng kanyang strict diet watch, “malusog” ang kanyang puwet?“Namana ko ‘to sa mommy ko!” pag-amin ni Kiray. Ronnie Carrasco III