Manila, Philippines – Na-cremate na ang mga labi ni Alexa Uichico-Gutierrez, asawa ni Elvis.
Durog pa rin ang puso ng mga miyembro ng Gutierrez family.
Si Ruffa nga lang ay nagmamadaling umuwi mula Los Angeles, California.
She arrived last July 29, Tuesday at dumiretso na sa Santuario de San Antonio sa Makati City for the wake straight from the airport.
Ang kuwento nga, papasok pa lang si Ruffa kung saan nakaburol ang hipag ay hindi na napigilan ang pag-iyak nito.
Mismong si Ruffa na rin ang nagdesisyon na ikansela ang birthday celebration ng anak niyang si Lorin ngayong August 3.
Sumang-ayon naman si Lorin sa naging desisyon ng ina.
Katwiran ng mag-ina, paano sila magsasaya kung kake-cremate lang ng isang miyembro ng kanilang pamilya?
Sa halip ay itutuloy na lang ng mag-inang Ruffa at Lorin ang birthday charity event na iniskedyul din nila.
Sa ngayon, gustong tuparin ni Ruffa ang binitawang pangako kay Alexa na magsisilbi siyang pangalawang ina nina Aria at Ezra, ang mga naulilang anak ng kanyang hipag.
Maging sina Lorin at Venice have promised to be their cousins’ big sisters. Ronnie Carrasco III