Home METRO Rider tumilapon sa motorsiklo, nagulungan pa!

Rider tumilapon sa motorsiklo, nagulungan pa!

111
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang motorcycle rider sa aksidenteng naganap sa ML Quezon National Highway sa Brgy. Pajo, Lapu-Lapu City nitong Sabado ng umaga, Agosto 3.

Ang biktima na 53-anyos ay residente ng Brgy. Babag, ay nasawi matapos na tumilapon mula sa kanyang motorsiklo, bumagsak sa semento at nagulungan pa ng dumaang sasakyan.

Sa ulat, sinabi ng Lapu-Lapu City police na sangkot sa aksidente ang isang motorsiklo, modern jeepney at Toyota Innova na nangyari 9:26 ng umaga.

Ayon sa pulisya, huminto ang drayber ng modern PUV sa national highway sa Barangay Pajo para magpick-up ng pasahero.

Sa kabila nito, bigong makapag-signal ang drayber ng modern jeep at nakabanggaan ang motorsiklo ng biktima.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang rider, bumagsak sa semento at nasagasaan ng dumaraang Toyota Innova.

Ang drayber ng Innova ay isang 31-anyos na residente ng Brgy. San Miguel sa Cordova.

Sinabi ng Lapu-Lapu police na patay na nang dalhin sa ospital ang rider.

Nasa detention cell naman ng Lapu-Lapu City Police Office ang drayber ng modern jeepney at Innova na posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here