Home ENTERTAINMENT Mother Lily, pumanaw na!

Mother Lily, pumanaw na!

186
0

Manila, Philippines – Eksaktong isang araw matapos ilibing ang kanyang mister ay namaalam naman ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Mother Lily was 85.

Masasabing “mag-asawang dagok” ang magkasunod na pagpanaw ni Leonardo Monteverde o Father Remy at Mother Lily.

Pneumonia ang sanhi ng pagkamatay ni Father Remy who was 86.

Naulila ng mag-asawa ang kanilang mga anak na sina Roselle, Dondon, Meme at Goldwin.

Mismong si Goldwin ang nagbalita ng pagkamatay ng ina sa social media.

Si Mother Lily ang moving force sa likod ng Regal Films.

To date, aabot na sa halos 300 ang mga pelikulang prodyus ng kanilang kumpanya.

Isa sa mga maagang nakiramay ay ang inaanak ni Mother Lily na si Senator Grace Poe

Ayon sa senadora, ang Regal matriarch daw ang nagkaloob sa kanya ng kumpiyansa “when I doubted myself.”

Ninang kung tawagin ito ng mambabatas.

At presstime, wala pang inilalabas na funeral details ang Monteverde family.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikipagdalamhati sa mga naulila ng isa sa mga haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here